Sirko
by MariacelliUnti-unting pinagtagpi ang mga basurang nakalap upang makabuo ng
Regalo sa alaala mo
Nilamon ng karimlan
Matapos iyakan
Pilit pang bubuuin
Tutal naman, saan ba nanggaling?
Paulit-ulit lang naman
Prosesong hindi pinagsawaan
Malamang sa hindi'y sanay na
Ang tigang na puso'y manhid ba?
Unti-unting pinagtagpi ang alaalang nakalap upang makabuo ng
Realidad mula sa bangungot ko
Nilamon ng karimlan
Matapos paglamayan
Pilit pa ring bubuuin
Tutal naman, ano pang tatakbuhin?
Paulit-ulit lang naman
Iyakang hindi pinagsawaan
Sige pa, tuloy lang
Ito ang langis ng tagumpay ng kalamnan.
.jpg)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home