Tuesday, September 26, 2006

Balasubas

by Mariacelli

Berdugo ng laman
Hayok sa kasawian ng
Nilalang sa harapan
Pilit sindakin ang katabi
Gamit ang sandata at labi
Kanais-nais na
Dampi ng balat sa balat
Kamalaya't Katarunga'y
Pinagsamang namaguli
Na kakalimutan sa pagsibol
Ng umagang mapait.

Tuesday, September 12, 2006

Berso 3

by Mariacelli

Sigwang malaya
Impostor ang sadya
Huwag kang ngumiti
Hindi ka isasalba ng 'yong mga labi.

A Suicidal's Note to Self

by Mariacelli

Bleeding won't suffice
Hope for a compromise
Stabbing pain
Heart disdained
Neurons' demise
A big disguise
Hide the hurt
Never unearth
Break your heart
But never tear it apart
No pain, no gain
Full of shame

Only a game.

Monday, September 11, 2006

Setyembre

by Mariacelli

Burahin na sa kalendaryo
Ang puno't dulo ng kalbaryo
Sawang sawa na sa'yo
Pakawalan mo na ako.

Monday, September 04, 2006

Berso 2

by Mariacelli

Ang puso ko'y kakabit ng guwang ng iyo
Na kahit piliting magpang-abot
Ay saan pa ba paroroon?

Berso 1

by Mariacelli

Pa'no kaya kung bukas, wala ng mundo
Ang pag-ibig ko kaya sa'yo'y
Mawawala kasama nito?

Emo

by Mariacelli

Galit ba'ng nararamdaman
O simpleng pagkahumaling sa'ting nakaraan
Galit ba o aking pagmamahal
Na naungkat mula sa pusong nasaktan

Tama na, sobra na'ng sakit
Ang pagpunta't pagbalik
Sa panahong masakit

(itutuloy...)

Tapos Na

by Mariacelli

Sabaw na plato
Pamatid-uhaw sa kalamnang tigang
Sumukong lapay
Pilit pinagana hanggang
Tuluyang sumuko
Biglang bumugay
Alalahaning walang humpay
Patay na, tapos
Na ang
Paghihirap.

Sunday, September 03, 2006

Ilaw

by Mariacelli

Kalong, dikit, ulang mahapdi
Pilit pinangibabaw ang ngiti.
Kalong, dikit, sa
Ilaw na
Mapanglaw.

Sirko

by Mariacelli

Unti-unting pinagtagpi ang mga basurang nakalap upang makabuo ng
Regalo sa alaala mo
Nilamon ng karimlan
Matapos iyakan
Pilit pang bubuuin
Tutal naman, saan ba nanggaling?

Paulit-ulit lang naman
Prosesong hindi pinagsawaan
Malamang sa hindi'y sanay na
Ang tigang na puso'y manhid ba?

Unti-unting pinagtagpi ang alaalang nakalap upang makabuo ng
Realidad mula sa bangungot ko
Nilamon ng karimlan
Matapos paglamayan
Pilit pa ring bubuuin
Tutal naman, ano pang tatakbuhin?

Paulit-ulit lang naman
Iyakang hindi pinagsawaan
Sige pa, tuloy lang
Ito ang langis ng tagumpay ng kalamnan.